advertisement
Mas matamis pa sa asukal ang palitan nila ng message. Sa mga oras nga na hindi kami magkausap ng girlfriend ko, doon naman sila magkausap ni Dex. Ang masakit dito ang mga dahilan niya kapag nagpapaalam na siya na hindi makaka-reply ay either matutulog na raw siya o busy siya sa trabaho, pero kausap niya lang pala ‘to.
Sundan ang kuwento ni Andy rito sa Secret Files with Raqi Terra.

Nahuli ko ang girlfriend ko at ang boy best friend niya - Raqi Terra’s Secret Files
Dear Raqi Terra,
Itago niyo ako sa pangalang “Andy” at ito po ang aking Secret File. May girlfriend ako at halos 10 months na kaming magkarelasyon. Isang araw, nahuli ko siyang parang may tinatago sa cellphone niya. Dito ko na nakita ang palitan ng mga message ng girlfriend ko at ng boy best friend niya raw na itago na lang natin sa pangalang “Dex.”

