Copyright ©2026 LOVE RADIO
Naglakas-loob lang ako noong ikakasal na siya sa iba - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Naglakas-loob lang ako noong ikakasal na siya sa iba - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
July 31, 2026

Dear Raqi Terra at Titan Gelo,

Itago niyo ako sa pangalang “Renee” at ito po ang aking Secret File. College pa lang, matalik na kaming magkaibigan ni Julia. Habang tumatagal ang pagkakaibigan namin, unti-unti kong napansin na humahanga na ako sa kanya. Na-fa-fall ako sa best friend ko.

advertisement

Isang araw, lumabas ang resulta ng board exam. Pasado ako kaya nag-celebrate kaming dalawa. Akala ko, ‘yun na ang tamang pagkakataon para sabihin sa kanya ang lahat ng matagal ko nang kinikimkim. Pero habang magkasama kami ni Julia, biglang tumunog ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Julia habang kinakausap niya 'yung nasa kabilang linya. Pagkatapos ng tawag nila ay ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ng manliligaw niya. Madalas daw silang magkausap hanggang sa unti-unti silang nagkagustuhan.

Noong araw na ‘yun, naramdaman ko yung pakiramdam na nahuli ako. Isang hakbang na lang sana, p’wedeng maging kami na. Aamin na sana ako, eh.

Sundan ang kuwento ni Renee rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...