advertisement
Ang hindi ko alam may inaangkas pala siyang ibang babae dun sa motor na ako mismo ang bumili. Nakita ko lahat sa messenger account niya.
Sundan ang kuwento ni Winnie rito sa Secret Files with Raqi Terra.

Naging sugar mommy ako for seven years... - Raqi Terra’s Secret Files
Dear Raqi Terra,
Itago niyo ako sa pangalang “Winnie” at ito po ang aking Secret File. Tinutulungan ko si Mark, ang boyfriend ko, kasi mahal ko siya. At that time, hindi ko naman iniisip na mali ‘yung pitong taon na naging sugar mommy ako. Binibigyan ko siya ng pera para makaahon siya. Iniisip ko na baka ito na yung kailangan niya para magkaroon siya ng sarili niyang income.
