advertisement
Naging magkaibigan kami. Close na close kami! Lagi kaming nag-ha-hangout. Hanggang sa isang gabi, lumabas kami na dalawa lang kami. Sobrang saya namin na para bang mayro’n kaming sariling mundo. Hindi kami lasing, pero hindi na namin na control ang feelings namin sa isa't isa. Umabot kami sa punto na hinalikan namin ang isa't isa.
Sundan ang kuwento ni Em dito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Naging kabit ako ng isang pulis - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo ako sa pangalang “Em” at ito po ang aking Secret File. Kahit single mom ako, nagpapaligaw ako sa bahay dahil gusto kong makita ng anak ko ‘yung manliligaw ko at gusto ko siyang tanungin kung sino ang gusto niya. Pero niisa sa kanila, wala akong sinagot. Wala akong nagustuhan. Hanggang sa nakakilala ko ng isang lalaki na itago natin sa pangalang "VJ." Isa siyang pulis. Kasal na siya at aay dalawa nang anak.
