advertisement
Sundan ang kuwento ni Mary rito sa Raqi's Secret Files.
Nag-abroad ang boyfriend ko para magtrabaho - Raqi's Secret Files
Hi, DJ Raqi at DJ Gelo! Itago niyo na lang ako sa pangalang "Mary," 26 years old, taga-Cebu, at ito ang aking Secret File. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang office sa Cebu sa isa sa mga kilalang kumpanya sa bansa. Bukod dito, meron din akong long-time boyfriend na itago na lang natin sa pangalang "John." Mag-aanim na taon na kaming mag-boyfriend ni John this coming September.
College pa lang kaming dalawa no'ng naging kami officially. Masasabi ko talagang na kay John na ang lahat ng green flags. Alam niyo kung bakit? Siya kasi 'yung tipo ng lalaki na hindi mo na kailangang sabihan para i-update ka sa mga ginagawa niya o sa mga nangyayari sa buhay niya.
