Copyright ©2026 LOVE RADIO
My Chemical Romance, magkakaroon ng concert sa Philippine Arena sa April 2026
My Chemical Romance, magkakaroon ng concert sa Philippine Arena sa April 2026
July 8, 2025

Matapos ang 17 years na paghihintay, nandito na silang muli, mga Kabisyo! Balik ‘Pinas ang rock band na My Chemical Romance (MCR) para sa ‘Long Live The Black Parade' Asia Tour sa darating na April 25, 2026 sa Philippine Arena. Matatandaan na ang huli nilang pagbisita sa bansa ay noong 2008 pa.

advertisement

2019 nang nag-reunite ang banda at nag-umpisa ng world tour na unang na sold-out sa US at Europe. Ngayong Asia Tour, dadalhin naman nila ang concert sa Incheon, Bangkok, Singapore, Kuala Lumpur, Jakarta, at siyempre, Manila. Wala pang detalye ang selling date at ticket prices, pero simulan niyo na ang pag-iipon, mga Kabisyo!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...