Umabot na sa higit 3 million views ang isa sa mga viral videos ni Tiktok user @jaycieeeee001 dahil pinapakita nito ang kakaibang kultura ng Pilipino: kahit anong sikip, init, o pagod sa buhay, basta't may tugtog, may ngiti, at may KASAMA ka, pwedeng-pwede maging dance floor ang kahit anong sulok at kayang-kaya na nating buuin ang araw ng bawat isa! Sana sa susunod, hindi na lang sa mall, kundi pati sa mga kalsada at parke ay may ganito na ring saya. Kita-kits sa mga pwedeng tambayan, mga Kabisyo! Abangan niyo kami!@jaycieeeee001 advertisementBalagbag mga Estudyante 🤣 ♬ original sound - Jaycieeeee

Mga estudyante, nagpasiklaban sa impromptu dance showdown sa isang mall sa Quezon City
Hala, sige! Ang simpleng suspensyon ng klase ay tila umabot sa isang mala-fiesta at nakakalurkei na impromptu dance showdown sa gitna ng isang mall sa Quezon City! Tipong 'di mo na kailangan ng VIP ticket o kaya ay expensive club entry. Ang puhunan mo lang dito ay ang kembot ng iyong bewang, ang paborito mong dance moves, at ang kagustuhang na magpakawala sa reyalidad ng exams at work kahit ilang minuto lang!
Dahil ang mga Kabisyo nating mga college students mula sa Our Lady of Fatima University at National University–Fairview ay ginawang personal dance floor ang event center! Dahil ba naman sa nakakabaliw na ganda ng tugtugan ng busker at ang cute na dancing cat mascot, aba, napilitan talagang lumabas ang inner Dancing Queen ng lahat. Nakisali pa ang 3 nating mga beloved nanay na panandaliang tumakas sa kanilang "mom duties" para i-celebrate ang sarili—mga ilang minutong walang iisiping laundry, baon, o kung anong uulamin mamaya, kundi puro puro high-energy good vibes lang!
