Copyright ©2026 LOVE RADIO
MBC Talents, magsasama-sama para sa kauna-unahang Spotlight Awards 2026
MBC Talents, magsasama-sama para sa kauna-unahang Spotlight Awards 2026
November 6, 2026

Isang bonggacious na gabi ng pagkilala at pasasalamat ang hinahanda ng MBC Talents, isa sa mga business unit ng MBC Media Group, para sa kauna-unahang MBC Talents Spotlight Awards 2026 sa November 19, 2026.

Magsasama-sama sa event ang mga DJ at content creator mula sa Love Radio, Yes! FM, Easy Rock, at DZRH TV para i-celebrate ang mga nagawa at kontribusyon nila sa radio, TV, at digital platforms.

Hindi lang ito tungkol sa awards at pagkilala. Isa rin itong paraan ng MBC Talents para magpasalamat sa mga personalidad na araw-araw nagbibigay-aliw, naghahatid ng impormasyon, at bumubuo ng koneksyon sa mga tagapakinig at manonood sa buong bansa.

advertisement

Asahan ang awarding, special recognitions, at s’yempre, masayang bonding kasama ang mga kapwa talent at katrabaho!

Ang event ay hatid sa tulong ng mga partner na La Vie Hotel, Chameleon Bar, Bingo Plus, Spotify, at Coca-Cola.

Bilang kauna-unahang Spotlight Awards, simula ito ng isang bagong tradisyon na magbibigay-pagkilala sa husay at dedikasyon ng MBC Talents family.

Dahil bawat mukha, bawat boses, at bawat talento ay may sariling ningning, ngayong November 19, sila naman ang nasa spotlight!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...