advertisement
Sundan ang kuwento ni Angel dito sa Raqi's Secret Files.
May nangyari sa amin ni Sir, pero hindi niya 'ko pinili - Raqi's Secret Files
Hi, DJ Raqi! Itago mo ako sa pangalang "Angel," 27 years old at ito ang aking Secret File. Isa akong licensed civil engineer sa isang kilalang ahensya ng gobyerno. Kapapasa ko lang sa board exams noong April 2024.
Noong June 2024, sumama ako sa isang five-day seminar ng office namin. Pagkatapos ng seminar, may nag-text sa akin. Ang sabi, "Hi, Ma'am! Mayroon ka bang number ni Ma'am Faye?" Si Faye ay katrabaho ko sa opisina at kasama ko siya bilang area engineer sa isang area. Ang nag-text naman sa akin ay itago na lang natin sa pangalang "Reno," si Sir Reno. Sir ko siya dahil siya ang boss ng area na hinahawakan namin.
