advertisement
Sundan ang kuwento ni Kyle dito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.
May nangyari sa amin ng girlfriend ng best friend ko - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Hi, DJ Raqi at DJ Gelo! Itago niyo ako sa pangalang “Kyle” and this is my Secret File. Mayroon akong best friend. Madalas niya akong binibisita sa bahay namin. Sobrang bihira niya isama ang girlfriend niya sa bahay namin.
Napag-uusapan lang namin ang relasyon niya at madalas, nag-uusap kami tungkol sa mga business plans namin, kung paano ba kami kikita ng pera at ng kung ano-ano pa at nang minsang isinama niya ang girlfriend niya sa bahay namin, hindi ko maitatanggi DJ Raqi at DJ Gelo. Manghang-mangha ako sa itsurahan ng girlfriend ng best friend ko⎯maganda at sexy. Well, alam ko naman na mali na magnasa ako sa girlfriend ng best friend ko.
