advertisement
Sundan ang kuwento ni June dito sa Raqi's Secret Files.
May nangyari sa amin ng first cousin ko - Raqi's Secret Files
Hi, DJ Raqi! Itago mo na lang ako sa pangalang "June" at ito ang aking Secret File. Mayroon akong naging karanasan sa mismong first cousin ko at hindi ko alam kung ano nga ba ang mayroon sa amin kasi iba ang nararamdaman namin kapag nagkikita kami, kumbaga may pagkikita kami na hindi naman namin sinasadya o kapag may okasyon lang na parehas kaming nauwi sa Batangas. Nagsimula talaga ito no'ng bata pa kami. Magkaedad kami ng first cousin ko at magka-batch mula elementary hanggang high school.
Minsang umuwi ang mama ko mula abroad. Niyaya ako ni Mama na dumalaw sa kalapit na bayan sa Batangas. Nagulat ako kasi biglang sumama sa amin ang pinsan ko na itago na lang natin sa pangalang "LC." Kapatid ng mama ko ang tatay ni LC. Medyo close kaming dalawa dahil nga magpinsan kami. Magkasing edad at sa iisang school kami parehong nag-aaral at ito na nga, nandoon kami that time sa bahay ng ate ko. Umalis noon sina Mama at Ate para bumili sa bayan. Kami lang noon ang pinsan ko ang naiwan. Sobrang bait at maasikaso sa akin ng pinsan ko.
