May namamasko sa tapat nang bahay namin nang biglang... - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Dear Titan Gelo at Raqi Terra, itago nyo na lang ako sa pangalang "Heidi Ann" at ito ang aking SPG Secret File. Isang gabi, nakatambay lang ako sa terrace ng bahay namin dito lang sa tapat. Finefeel ko lang ang malamig na simoy ng hangin kasi December na kaso, wala pa naman akong jowa kaya hindi ako warm, pero, puwera biro, opo, wala talaga akong jowa. Naisipan ko nga na mag-wish na sana makahanap ako ng 'The One' ko, pero kung hindi pa siya i-pa-package ni Santa Claus sa akin at sa darating na Pasko, okay lang, maghihintay lang ako.
Hindi pa naman siguro ako mamamatay agad-agad kung wala akong jowa ngayong Pasko na ito, pero ito na nga po. Mag-isa ako na nakatambay sa terrace tapos nagulat na lang ako kasi may dumaan na grupo ng mga bata. Biglang tumigil sa mismong tapat ng bahay namin. Ayun, na-Caroling na pala. Naalala ko, umpisa na nga ng Caroling. December 16 na kasi. Puwede nang mamasko sa mga bahay-bahay. Natuwa naman ako na makita na may namamasko sa mismong bahay namin, pero 'yung ngiti ko noong makita na may namamasko, dahan-dahan na nawala.
Sundan ang kuwento ni Heidi Ann dito sa Raqi's SPG Secret Files.