advertisement
Unang nag-anunsyo ang Love Radio Manila Facebook noong Lunes tungkol sa paparating na higante. Halo-halo naman ang naging reaksyon at spekulasyon ng mga Kabisyo tungkol sa pagkatao ng sinasabing higante na ito. May mga nagsabing babalik na nga raw si Chris Tsuper, at may iba't iba pang personalidad ang binanggit sa comments section.
Lalo pang na-excite ang mga Kabisyo nang mag-post si Tanya Chinita sa Facebook Page niya na para bang nakita at nakaharap niya ang higanteng ito na dapat ninyong abangan sa Love Radio Manila!
Siyempre, hindi kami papayag na wala kaming patikim na ibibigay sa inyo kaya naman nitong nakaraan ay nagbigay kami ng kakarampot na clue kung sino nga ba ang bago ninyong makakasama gabi-gabi. Konting pasilip lang muna kaya hanggang ngayon, eh, hindi pa rin namin na-co-confirm kung daks nga ba talaga ang taong ito! HAHAHAHA!
Nitong Biyernes ay inanunsyo na ng Love Radio Manila na makakasama na natin ang higante at daks na Kabisyo simula ngayong Lunes kaya 'wag na 'wag kang mawawala at sabay-sabay nating i-welcome ang Kabisyong ito sa Lunes ng gabi!
Mahuhulaan niyo ba kung anong pangalan ng Kabisyong ito?
Para sa marami pang chika at nakakalurkei na balita, siguraduhin lang na lagi kang nakatutok sa Love Radio Manila!
May HIGANTENG dadating sa Love Radio Manila ngayong Lunes!
Sunod-sunod na nga ang pagpapatikim ng Love Radio Manila sa paparating na higante ngayong darating na Lunes, July 14!
