Copyright ©2026 LOVE RADIO
Matty Juniosa, nakakuha ng golden buzzer sa 'Britain's Got Talent'
Matty Juniosa, nakakuha ng golden buzzer sa 'Britain's Got Talent'
March 31, 2026

Isang Pinoy na naman ang ginawang kulay ginto ang isang international stage, mga Kabisyo! GRABE!!

Pagtapak pa lang ni Matty Juniosa sa stage, ramdam na ramdam na agad ang kaniyang nanlalamon na stage presence. Sa kaniyang cover ng 'Purple Rain' ni Prince, napatayo ni Matty, hindi lang ang judges, kun'di ang lahat ng audience.

advertisement

Say ng singer, "I have been waiting for this chance to finally put an end to this long thing that I’ve been thinking about myself that I will always be a singing competition loser.” Ang tinutukoy niya ay ang kaniyang naging journey sa Idol Philippines 2019.

Kitang-kita raw ni Amanda Holden ang passion niya sa pagkanta habang tinawag naman na "outstanding" ni KSI ang naging performance.

Halos hindi na marinig ang komento ng judges dahil sa lakas ng pagsigaw ng audience ng "press that gold."

Pinatindi ni Simon Cowell ang ingay at kasiyahan ng lahat nang tumayo siya at pinindot ang golden buzzer.

Napakaraming pagbati at suporta ang bumuhos sa singer, kabilang na rito ang ilan sa kaniyang mga nakalaban sa Idol Philippines.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...