Copyright ©2026 LOVE RADIO
Marlo Mortel, na-bash sa kantang 'Bed Weather' para sa Miss Universe Philippines?!
Marlo Mortel, na-bash sa kantang 'Bed Weather' para sa Miss Universe Philippines?!
August 15, 2025

Hindi nga ba nagustuhan ng komunidad ng pageantry ang kantang 'Bed Weather' ni Marlo Mortel para sa Miss Universe Philippines?

Sinagot 'yan ni Marlo Mortel ni Marlo Mortel mismo sa HANGOVER nitong August 14 lang. Direktang itinanong kay Marlo kung sang-ayon ba siya sa mga sinasabi ng netizens na hindi raw nababagay ang kanta niyang 'Bed Weather' sa Miss Universe Philippines dahil ang pangit ng music at puro paguwapo na lang daw ang kinukuhang mag-perform.

advertisement

Hindi naman nag-atubili si Marlo na sagutin ito. Matagal niya raw itong pinaghandaan at sobrang proud siya sa naging produkto ng 'Bed Weather' dahil hindi ito ang genre na karaniwang kinakanta para sa pageant. raw ito at nagpapataas ng kumpiyansa sa mga kandidata dahil sa lyrics nitong napaka-empowering.

Huli na nga lang din daw nang malaman ni Marlo na may nam-ba-bash pala sa 'Bed Weather' sa sobrang daming nagsasabi sa kanya na napakaganda ng kantang ito. Banggit ni Marlo, "I'm confident! If you would watch it again, it was a solid performance talaga. Hindi talaga siya pangit."

We love a confident king! Kiber na sa mga basher basta alam mong ginawa mo ang best mo! GANERN!

Panoorin ang buong interview ni Marlo Mortel sa HANGOVER dito:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...