advertisement
Hindi pa diyan nagtatapos, mga Kabisyo! Sa November, nakatakda rin nilang ilunsad ang Rescue-Neuter-Adopt Program na talagang magbibigay ng prayoridad sa mga aso at pusang gala. Unti-unti raw itong ipatutupad ayon sa kakayahan ng lungsod para masigurong safe na safe ang bawat furry friend natin sa bawat procedure.
Naku, napakasarap sa feeling na ang mga dating pakalat-kalat sa kalye ay magkakaroon na ng pagkakataong maalagaan, makakain nang masarap, at makahanap ng mapagmahal na pamilya. Sana all na lang talaga at sana mainggit ang ibang lungsod sa buong Pilipinas para gumawa rin sila ng ganitong klaseng kalinga! Sino ba rito ang ready na mag-adopt at magbigay ng forever home? Sugod na sa Marikina, mga Kabisyo!
Marikina, nagbukas ng no-kill shelter para sa stray dogs at cats
Maniwala man kayo o hindi, nagbukas lang naman ang Marikina City ng isang bonggacious no-kill shelter para sa stray fur babies! Opisyal na binuksan noong October 4 sa Barangay Sto. Niño ang Marikina Animal Rescue and Shelter, na sakto sa pagdiriwang ng pista ni St. Francis of Assisi na OG patron saint ng mga alagang hayop, at Paws & Friends Festival.
Pero teka lang, hindi lang basta simpleng tuluyan ang pasabog ng Marikina dahil akala mo, five-star hotel experience ang peg ng lugar! May sarili itong veterinary clinic para sa instant check-up ng rescued cuties, may pet play area kung saan pwedeng magtakbuhan at mag-party ang ating mga alaga, at s'yempre, may adoption center na magsisilbing matchmaker zone para sa kanila at sa new family nila. Plus points pa sa mga residente dahil may libreng anti-rabies vaccination araw-araw at libreng vet check-up para sa inyong mga alaga, kaya ligtas na ang furbabies, hindi pa magdudusa ang wallet niyo!
