Copyright ©2026 LOVE RADIO
Mara Tonee, hindi napigilan ang sarili—nasagot ang boss?!
Mara Tonee, hindi napigilan ang sarili—nasagot ang boss?!
April 9, 2026

Maligayang Araw ng Kagitingan, Kabisyo! Kumusta ang gising ng mga walang pasok sa trabaho ngayon? Papasyal ba kayo o magpapahinga maghapon? Kung sakaling mabitin, gawin niyo nang long weekend ‘yan at mag-SL bukas. As in, sinungaling leave. ‘Chos!

Sa araw na ito, inaalala natin ang tapang at sakripisyo ng mga bayaning nagbigay-daan sa kalayaang tinatamasa natin ngayon… tapos ikaw, magpapaka-under ka lang sa jowa mo? Charot with harot!

Kung malalaman kaya ng mga bayaning ’yan ang kinahinatnan ng Pilipinas ngayon, ano kaya ang magiging reaksyon nila? HAHAHA! At dahil hindi natin malalaman ang kasagutan d’yan, tinanong na lang namin ang paborito niyong mga Kabisyo kung ano ang pinakamatapang na nagawa nila sa buhay (kung meron man)!

Tanya Chinita: Balikan ang ex na nag-traumatize. Hahahahahahaha!

Conyo Bicolano: Ang magpatuloy sa buhay kahit nawala ’yung dahilan ko para mabuhay sa araw-araw. Love you, Mama and Papa in heaven!

Diego Bandido: Hmmm... nang hinarap ko ang tatay ng asawa ko na ayaw sa akin. Titinggaan daw ulo ko! Ayun, biyenan ko na siya!

Mara Tonee: Sumagot sa boss! HAHAHAHA! Eh, may tinatanong kasi... s’yempre sasagutin!



Kim Chino: Magmahal sa taong ’di na pala ako kayang mahalin.

Raqi Terra: Matapang kong isinwipe ang credit card ko no‘ng nasa ibang bansa ako. Ayun, matapang ko rin dapat harapin ‘yung utang ko. HAHAHAHA!

Titan Gelo: Pinaglaban ko ’yung pagmamahal ko sa taong hindi naman ako kayang ipaglaban at mahalin ng totoo.

Sino kayang boss ang tinutukoy ng Daldalerang Atleta? May kinalaman kaya ito sa sagutan nila ng Uragong Broskie natin? Luh? Issue ’yarn? HAHAHA!

Akala namin, gusto niya nang mawalan ng trabaho dahil palasagot siya. Masunurin lang naman pala talaga! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!


Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...