Copyright ©2026 LOVE RADIO
Mahal niya ako, pero mas pinili niya ang will ni Lord - Raqi’s Secret Files
Mahal niya ako, pero mas pinili niya ang will ni Lord - Raqi’s Secret Files
February 20, 2024

Dear DJ Raqi,

Sana mapansin mo ’to agad. Gusto ko lang ibahagi ’yung kuwento ko. Itago mo na lang ako sa pangalang Avi, 36 years old, graduate ng Nursing, and works as a territory sales manager dito sa Region II.

advertisement

Galing ako sa failed marriage seven years ago. ’Yung husband ko is my first boyfriend, BF-GF kami for six years tapos ikinasal kami last December 2012 sa Manila. Joe is a pubic servant and since grumaduate kami and passed the board exam, he entered this service and kung saan-saang parte ng Pilipinas na siya na-assign. I caught him cheating no’ng year 2015 and no’ng nalaman ko ’yon, one year and eight months na pala sila ng babae niya. Inilaban ko pa for two years ’yung marriage namin, pero same girl pa rin ang issue namin. Napagod at naubos ako. Unfortunately, 2017, nag-usap kami na maghiwalay na lang. Sobra-sobra akong nasaktan, pero kinaya ko. Halos gumuho ang mundo ko sa pag-aakalang siya na ang “happy ever after” ko. Binuo ko ang sarili ko. Ipinaubaya ko lahat kay Lord — ’yung healing and peace ko.

Nagkaroon akong boyfriend ulit no’ng 2019, pero hindi rin nagtagal. Still the same, pambabae rin ang issue. Kung kailan pandemic, saka nambabae. May dalawang anak siya. ’Yung panganay na four years old, nasa kanya. Minahal ko ’yon na parang sarili kong anak kaya no’ng gusto na niya makipaghiwalay, ang mas iniyakan ko, ’yung anak niya kasi ako na agad ang kinilala niyang ina. Nakakaawa ’yung bata na maiiwan ulit sa pangalawang pagkakataon. Durog na durog ako no’n. Umiiyak ’yung bata and hinahanap-hanap ako sa bahay nila. Tumatawag ’yung lola niya sa akin nang madaling araw kasi iyak daw nang iyak kasi hinahanap ako, na kung puwede, patahanin ko muna kasi hindi mapatigil kakaiyak. Isa ’yon sa nagpahirap sa akin sa hiwalayan namin, pero kailangan ko rin ibangon ’yung sarili ko.

Minsan, I begin to ask myself na baka ako nga ’yung problema, na baka may kulang sa akin na need nila hanapin sa iba, na baka ako ’yung may mali. Nagkaroon ako ng trust issues after no’n. Overthink malala, pero pinilit ko buohin ulit ang sarili ko. Ipinaubaya ko kay Lord ang lahat sa pangalawang pagkakataon.

Sundan ang kuwento ni Avi rito sa Raqi’s Secret Files.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...