Love Radio Manila, kinilala bilang Most Outstanding FM Radio Station sa 8th Gawad Lasallianeta
Grabe ka na, 2026! Unang buwan pa lang ng taon, may award na agad ang paborito niyong FM radio station. Patunay lang talaga na ipinanganak kaming mga bida-bida. Charot with harot!
Itinanghal bilang Most Outstanding FM Radio station ang 90.7
Love Radio Manila sa katatapos lang na 8th
Gawad Lasallianeta. Tinanggap ito mismo nina
Nicole Hyala,
Diego Bandido,
Angkol Dagol,
Conyo Bicolano,
Titan Gelo, at
Kadyot Pinong na talaga nga namang tinilian ng mga estudyante ng De La Salle Araneta University. Sa kanila lang pala namin mararanasan ang pakiramdam na maging artista! Luh? Hahaha!
Maliban d’yan, nominado rin ang
Love Radio DJs bilang Most Outstanding FM DJs sa nasabing awarding ceremony. Pasabog, ’di ba? Parami na nang parami ang pagkilalang natatanggap natin, pero nakakakilig pa rin!
S’yempre, hindi lang para sa’min ang award na ito kundi para sa inyo, mga Kabisyo. Kung meron lang category para sa Most Outstanding FM Radio Station Fans, sigurado na kaming kayo ’yon! Muli, maraming salamat at mahal namin kayo!