Naghahanap ka ba ng masayang paraan para magpalipas ng Sabado kasama ang barkada, jowa, o pamilya?
May good news kami sa’yo dahil may isang araw na kasiyahang hatid ang Love Radio Manila sa Damayan Covered Court, Pinagbuhatan, Pasig ngayong April 18!
Magsisimula ang ‘HATID SAYA’ bandang alas-kwatro ng hapon sa Zumbalympics kung saan sabay-sabay na sasabak ang lahat sa dalawang oras ng sayawan at galawan. Bukod sa pagpapawis at pag-e-enjoy sa music, makakakilala ka rin ng mga bagong Kabisyo sa isang energetic na community.
Pagdating ng alas-sais ng gabi, magpapatuloy naman ang programa sa isang FREE Concert na tatagal hanggang alas-diyes. Dito, mapapanood ang Maharlika Hood at ang dalawang OPM bands na kilala sa kanilang mga hit song na talaga namang tumatak sa mga Millennial at Gen Z. Sumikat ang Shamrock sa mga kantang tulad ng ‘Alipin,’ ‘Haplos,’ at ‘Paano,’ habang ang 6cyclemind naman ay minahal dahil sa mga kantang ‘Prinsesa,’ ‘Upside Down,’ at ‘Sandalan.’ Siguradong may sabayang kantahan at balik-tanaw na dala ang mga pamilyar na awiting ito.
Habang umiikot sa venue, may mga booth din na naghihintay para sa mga bisita. May freebies at games para manalo ng Love Radio merch at iba pang papremyo, kaya hindi lang tugtugan ang aasahan kundi pati mga surpresa sa bawat sulok ng Damayan Covered Court!
Mas magiging espesyal pa ang experience dahil makakasama mo ang mga Love Radio DJ. Ito na ang pagkakataon mong makita sila nang personal, makipagkuwentuhan, at makihalubilo sa mga boses na lagi mong pinapakinggan.
Sa rami ng activities at live performances, imposibleng umuwi ka nang hindi nakangiti. HAHAHA! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Love Radio Manila, dadalhin ang ‘HATID SAYA’ FREE Concert at Zumbalympics sa Pasig City
