Copyright ©2026 LOVE RADIO
Love Radio, inilabas na ang music video ng ‘Kasama Mo’ na isinulat ni Titan Gelo
Love Radio, inilabas na ang music video ng ‘Kasama Mo’ na isinulat ni Titan Gelo
April 8, 2026

“Hindi ka na mag-iisa... may kasama ka.”

Muli na naman tayong pinahanga ni Titan Gelo aka Lil Vinceyy! Mula sa original song niyang ‘Chinita Girl’ at sa kauna-unahang Christmas jingle ng Love Radio na ‘Kabisyo Ngayong Pasko,’ siya rin ang sumulat ng 2026 jingle na pinamagatang ‘Kasama Mo.’ Bonggacious to the maximum levelacious ang regalo niya para sa 51st anniversary natin, Kabisyo!

Pumreno muna kami sa pagiging bida-bida dahil gusto naming i-share ang spotlight sa inyo, mga Kabisyo, na kasama namin sa araw-araw na laban ng buhay. Nariyan ang mga minamahal nating driver, traffic enforcer, security guard, at marami pang iba bilang pagpupugay sa inyong sipag at dedikasyon. Dahil sa inyo, patuloy na nakakamit ng Love Radio ang iba’t ibang parangal taon-taon, at makikita rin ito sa music video.

Hindi lang sa loob ng radio booth ang kakayahang magpasaya ng Love Radio DJs. Sa simpleng paraan, ibinabalik din namin ang suporta niyo sa pamamagitan ng mga activity tulad ng stickering, games with prizes, free events gaya ng zumba, medical mission, at mga concert na talaga namang sinusulit natin!

Kalalabas pa lang ng music video, pero marami na raw ang nae-LSS dito. Ang lakas naman kasi talagang maka-good vibes ng koneksyon at samahang tatak Love Radio! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...