advertisement
Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng saya ng mga 'to kahit may mga naging pagbabago sa pang-araw-araw na routine nila! Hahaha!
Isa na riyan ang Feel Good Morneeeng nina Angkol Dagol at Tanya Chinita. Mapapakinggan niyo pa rin sila sa umaga, pero dahil gusto namin kayong mas mapasaya, makakasama niyo na sila mula alas-singko hanggang alas-nuwebe ng umaga!
Susundan naman 'yan ng pinakabagong programa na kikiliti sa natutulog mong damdamin, DEAR LOVE, na mapapakinggan niyo simula 9:00 a.m. hanggang 12:00 p.m.! Kasama sina Robin Sienna at Conyo Bicolano, sabay-sabay natin alamin ang iba't ibang kuwento na magpapatalong sa iyong puso!
Pagkatapos ng drama, tawanan naman ang makakasama niyo sa pananghalian dahil 'yan ang ibibigay sa inyo ng Tambalan simula 12:00 p.m. hanggang 3:00 p.m.!
Patuloy naman ang pagbabahagi ni Basa Princess Raqi Terra ng kanyang mga Secret File simula 3:00 p.m. hanggang 5:00 p.m. na susundan naman ng Programang EDSA kasama si Diego Bandido simula alas-sinko hanggang alas-nuwebe ng gabi!
At pagkagat ng dilim, alams na! Totoy na, Love! Simula 9 p.m. hanggang 12:00 a.m., eh, makakasama niyo na si Totoy Bato para gisingin ang mga inaantok niyong damdamin! Hahaha!
Talaga nga naman siksik, liglig at umaapaw ang bawat araw ninyo kasama ang mga paborito niyong Kabisyo kaya siguraduhin niyo lang na nakatutok kayo 24/7 sa 90.7 Love Radio para hindi kayo nahuhuli sa mga bagong ganap! Kailangan pa bang i-memorize 'yan? BASIC!
At para sa iba pang chika at nakakalurkei na balita, follow mo na sa Facebook ang Love Radio Manila!

Love Radio DJs, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ligaya sa bagong oras ng programa!
True ang nabasa mo, Kabisyo! No'ng nakaraang linggo nga, eh, nag-umpisa na bagong schedule ng Kabisyo DJs natin! Ni-reveal nga ang bagong program schedule na ito sa isang reality show-type na video ng Kabisyo DJs natin noong isang linggo!
