Sa pagpasok ng Agosto, maraming Kabisyo ang nagulat nang bigla na lang nilang hindi marinig sa radyo ang boses ng kanilang paboritong Love Radio DJs.
Walang pasabi—maliban sa “thank you” video na inilabas ng ating DJs sa kani-kanilang Facebook pages. Kaya naman mabilis na kumalat ang balita, pati na rin ang sari-saring haka-haka tungkol sa biglaang pagkawala nila sa ere.
Akala ng marami, end of an era na ng Love Radio. ’Yun pala, isang linggo lang kaming nagpahinga dahil pagbalik namin, may mga bago kaming pakulo na inihanda para sa mga Kabisyo!
Pero habang tahimik pa kami at wala pang malinaw na sagot, hindi rin nagpahuli ang imahinasyon ng mga Pinoy. Anu-ano nga ba ang mga pinakanakakalurkei na hinala ng mga Kabisyo tungkol sa pansamantalang pang-gho-ghost namin sa unang linggo ng buwang ito?
Diego Bandido: Pangit na kasi magsalita mga DJ. Ang iingay na parang palengke. Hindi kagaya dati. Hahaha!
Nicole Hyala: Siguro, kaya mawawala na si Nicole Hyala sa radyo kasi mag-co-concentrate na siya sa career ni Alex Eala.
Titan Gelo: Papalitan na lahat ng mga panibagong DJ.
Conyo Bicolano: Magiging AI-generated na raw ’yung Love Radio!!! Hoy, tumigil kayo. ’Wag niyong bigyan ng idea ang management! Hahaha!
Kim Chino: Nag-resign daw mga DJs, tapos si Kim Chino, nagpakasal na raw. Sana nga! Jowa nga, wala ako, asawa pa kaya? Buset!
Mara Tonee: Mag-re-resign na lahat kasi maliit sahod. Hahaha!
Tanya Chinita: Dahil daw sa akin at sa thirst traps ko kaya nagsara. Hahaha!
Angkol Dagol: Papalitan na raw lahat ng DJs ng mas bata. Aray ko!
Dito natin mapapatunayan kung gaano kalupit gumawa ng kwento ang mga Marites. Charot with harot! Pero higit sa lahat, maraming salamat, Kabisyo, dahil kahit pinakaba namin kayo saglit, mainit pa rin ang naging pagtanggap niyo sa aming mas bonggacious na pagbabalik. At kung sakaling hindi pa malinaw: Love Radio is here to stay. KASAMA MO kami, Kabisyo, sa ayaw at sa gusto mo. Hahaha! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!


