advertisement
Okay na sana ang nagaganap na paglalaro, pero bakit parang may konting panlalamang ang mga Kabisyong 'to? HAHAHA! Ano bang premyo rito, hindi ba't bragging rights lang naman? Nadamay pa nga at Daldalerang Atleta niyong si Mara Tonee na mukhang pinag-tripan lang ni Conyo Bicolano at Kim Chino kasi bored sila. Wahaha!
Hay naku, kung hindi mo pa napapanood ang video na 'to, eh, haya'n na ang link sa taas! Iki-click mo na lang!
Para sa marami pang chika at nakakalurkei na balita, siguraduhin lang na lagi kang nakaabang sa mga ganap ng Love Radio Manila!
Love Radio DJs, nagdadayaan lang ba?!
Isa na namang challenge ang kinasahan ng Love Radio DJs kung saan nagkasubukan ng galing sa pandaraya na may konting laro. HAHAHA! Chariz!
Sa panibagong challenge na ito, magpapagalingan lang sina Raqi Terra, Titan Gelo, Kim Chino, Conyo Bicolano, at Mara Tonee sa pagpatay ng apoy ng kandila, pero imbis na hipan ay kailangan nila itong paypayan gamit ang manipis na papel sa kanilang bibig.
