Copyright ©2026 LOVE RADIO
Love Radio DJs, may hinala kung bakit nagkaroon ng fire transition sa Senate livestream
Love Radio DJs, may hinala kung bakit nagkaroon ng fire transition sa Senate livestream
November 19, 2026

Biglang nagliyab ang screen ng Senate livestream habang nagsasagawa ng opening prayer si Sen. Alan Peter Cayetano. “Napagano’n” tuloy ang mga nanonood! (Hanapin niyo na lang ’yung hitsura ni Toni Fowler no’ng pinapagalitan niya si Mikay. HAHAHA!)

Nangyari ito sa 44th day ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa Senate Public Relations and Information Bureau (PRIB), nagkaroon ng unexpected technical issue kaya biglang lumabas ang flame graphics sa screen bago lumipat ang broadcast sa defense team ni Duterte.

Pero s’yempre, hindi pinalampas ng netizens ang pagkakataong magbigay ng kani-kanilang hirit! Kaya tinanong namin ang mga Love Radio DJ kung ano sa tingin nila ang nangyari. Heto ang kanilang nakakalurkei na theories!

Diego Bandido: Malamang naglalaro ng games ’yan! Nagkamali, nag-power up tapos mag-combo hit sana. Sa maling PC nagawa!

Titan Gelo: Mga demonyo kasi ’yung mga tao d’yan, eh. HAHAHAHAHA! Hmmm... sino-sino kaya sila?

Conyo Bicolano: Dahil mabuti silang tao kaya parang may atakeng kadagat-dagatang apoy.

Raqi Terra: Kasi nagliliyab ang mga issue. Hahaha! ’Di lang makita ’yung light, pero it’s a battle of langit and lupa.

Kim Chino: Baka Pokemon siya no’ng nakaraang buhay niya? Lumabas na ang powers?

Mara Tonee: Kasi init na init na ulo ng tao sa Senate. Haha!

Angkol Dagol: Malamig na kasi ang treatment kaya kailangan painitin!

Tanya Chinita: Overcooked na ang samgyup.

So, ano? Wala ba talagang aamin kung bakit? Charot with harot! Kayo naman, katatapos lang kasi ng long weekend, baka may sama pa ng loob ’yung nag-bu-button kaya kung anu-ano ang napindot. Baka naman hindi pa mentally prepared bumalik sa trabaho at nadamay na pati Senate livestream! Relate na relate tayo, ’di ba? HAHAHA! Ate o Kuya, kung sino ka man, sana may trabaho ka pa. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...