Copyright ©2026 LOVE RADIO
Love Radio DJs, ibinunyag kung bakit sila humingi ng tulong sa Google
Love Radio DJs, ibinunyag kung bakit sila humingi ng tulong sa Google
July 9, 2026

Naging usap-usapan kamakailan ang pag-amin ng isang senador na napa-search siya sa Google para maintindihan ang ilang legal terms. Wala namang masama sa pag-se-search—tayo ngang lahat, ginagawa ’yan araw-araw. Pero s’yempre, iba lang ang dating kapag trabaho mo ang paggawa at pagbusisi ng mga batas!

Kaya sa mga nagsasabi sa’min na, “Sus, ang dami niyong alam!” Teka lang! Hindi ba pwedeng marunong lang kaming gumamit ng Google? Search-search lang ’yan. Ang kaibahan lang siguro, wala kami sa Senado. HUY!

At hindi lang naman legal terms ang puwedeng i-search. Mula sa recipe, lyrics, government services, hanggang sa mga tanong na bigla na lang papasok sa isip mo nang hatinggabi—Google ang takbuhan ng lahat.

Dahil d’yan, na-curious kami. Ano nga kaya ang mga huling sinearch ng paborito niyong mga Kabisyo?

Angkol Dagol: Sinearch ko how to stay loyal and fakeful este faithful! 🥴

Tanya Chinita: Pag-IBIG Fund registration. 🤣🤣🤣🤣

Conyo Bicolano: How to cook sinigang? Paano ba naman, Broskie... parang nanlalamig na talaga ako the past few weeks. Idagdag mo pa riyan ’yung ulan nang ulan tuwing gabi!

Mara Tonee: Happy Meal! Hahaha!

Kim Chino: Si JUDITH! MAYNILAD, MERALCO... bayarin. Siguro, ito rin ’yung dahilan kung bakit single pa rin ako.

Raqi Terra: Lyrics ng Mahal Ka Sa Akin!

Titan Gelo: Matagal na po ako hindi nakakapag-search sa Google! Incognito madalas ginagamit ko. 😅

Nakakatawa mang pag-usapan ang search history, aminin natin—doon minsan makikita ang mga simpleng bagay na bumubuo sa araw-araw nating pamumuhay. Kaya ikaw, ano ang huli mong sinearch na baka ikagulat ng iba? Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...