Muli nang napapakinggan sa ere ang 101.5 Love Radio General Santos at 94.3 DZRH News FM General Santos matapos opisyal na maibalik ang kanilang broadcast operations noong June 20 mula sa kanilang bagong pasilidad. Labindalawang araw matapos ang malakas na lindol na pansamantalang nagpahinto sa operasyon ng dalawang istasyon, matagumpay nilang naipagpatuloy ang paghahatid ng musika, balita, impormasyon, at serbisyong pampubliko sa mga tagapakinig sa General Santos City at mga karatig-lugar.
advertisement
Ligtas ang lahat ng station personnel, at naging posible ang mabilis na pagbabalik sa ere dahil sa sama-samang pagsisikap ng mga empleyado ng istasyon, mga engineer, support teams, at management na walang sawang nagtrabaho upang maibalik ang operasyon at muling makapaglingkod sa komunidad.
Ayon kay Mr. Jun Nicdao, President ng MBC Media Group, nanatiling malinaw ang kanilang layunin sa kabila ng pagsubok.
"While we lost our home, we never lost our commitment to serve. Our focus remained clear: to restore our operations as quickly and safely as possible and continue providing information, public service and entertainment to our listeners."Para sa MBC Media Group, ang muling pagbabalik sa ere ng Love Radio GenSan at DZRH News FM GenSan ay isang mahalagang hakbang sa kanilang pagbangon matapos ang lindol at patunay ng tibay, dedikasyon, at malasakit ng buong team.
Nagpasalamat din si Nicdao sa lahat ng naging bahagi ng kanilang mabilis na recovery.
"Today’s return to the airwaves reflects the resilience, dedication, and commitment of our people. We are deeply grateful for the overwhelming support of our listeners, partners, local government units, and the entire General Santos community. Their encouragement helped make this recovery possible and reaffirmed the enduring connection we share with the people we serve."Sa pagbabalik ng kanilang operasyon, handa na muling ihatid ng 101.5 Love Radio General Santos at 94.3 DZRH News FM General Santos ang dekalidad na entertainment, mapagkakatiwalaang balita, mahalagang impormasyon, at serbisyong pampubliko na araw-araw na inaasahan ng kanilang mga tagapakinig.

