Copyright ©2026 LOVE RADIO
Lolo na stroke survivor, muling nakahanap ng pag-asa sa sining ng paglililok
Lolo na stroke survivor, muling nakahanap ng pag-asa sa sining ng paglililok
October 3, 2026

Talaga palang may pera sa basura! Dahil ang mga pinatuyong buto, bao ng niyog, at mga sanga ng kahoy ay may pag-asang maging obra-maestra! Sa edad na 72, si Tatay Isagani mula sa Ibajay, Aklan ay pinatunayan na ang edad at ang pagiging stroke survivor ay walang laban sa pusong pursigido at malikhain.

Hindi naging madali ang kanyang kwento—dahil pagkatapos niyang magka-stroke, pwedeng-pwede na magpahinga na lang sana siya at magmuni-muni sa rocking chair. Pero aba, si Tatay Isagani, iba ang level ng sipag at diskarte! Sa halip na magpadaig sa karamdaman, ginawa niyang inspirasyon ang kanyang sitwasyon upang iukit ang kanyang pangalan bilang isang tunay na alagad ng sining.

advertisement

Ang pinakamaganda pa rito, mayroon siyang "partner in crime" ang kanyang butihing asawa. Habang si Tatay ay busy sa paglilok at pagpapaganda ng mga crafts, si misis naman ang naglalakbay at nag-aabang sa bakawan para mamulot ng mga nahuhulog na bunga ng dungon. 'Yan ang couple goals! Sila ang literal na nagtutulungan para gumawa ng maganda sa gitna ng mga pagsubok.


Mula sa mga simpleng materyales na itinapon na ng kalikasan, nakakagawa si Tatay Isagani ng mga kakaibang handicrafts na sadyang nakakalurkei. Ipinapakita nito na ang kamay na minsan nang nanghina ay kaya pa ring lumikha ng mga kahanga-hangang bagay gamit ang pangarap at pagmamahal sa sining. Patunay siya na ang buhay, kahit minsan ay binibigyan tayo ng matinding "stroke" ng malas, ay pwede pa ring kulayan at gawing maganda.

Kaya mga Kabisyo, sa susunod na makakita kayo ng mga lumang kahoy o bao, alalahanin si Tatay Isagani. Walang basurahan sa taong may diskarte at pusong lumalaban! Ang kanyang kwento ay hindi lang simpleng kwento ng katatagan—isa itong magandang paalala na sa sining ng buhay, ikaw ang pintor ng sarili mong obra!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...