Isang pangmalakasang performance na naman ang ihahatid sa atin ng Alt.chestra Vol. 1, mga Kabisyo! Para sa kanilang intimate concert ngayong August 8, 2026, magpapakita ng husay ang mga bandang Lola Amour, Over October, at shirebound.
Sa pangunguna ng kilalang musical director na si Ronald Tomas, pag-iisahin nila ang tatlong banda para sa isang live orchestra. First time daw ng Over October na makatrabaho ang musical director, samantalang excited naman ang Lola Amour na makasama siya ulit.
Kahit daw magkakaiba ang kanilang mga tunog, naniniwala ang tatlong banda na magiging pasabog ang kanilang unang pagsasama sa stage.
Kung may collaborative performance ba? "It's a secret" ang pagpapatakam nila.
Sa ginanap na media conference, binigyang din nila ang importansya ng live performance sa kabila ng AI-generated music. "We need live shows more than ever" ang chika ng Over October. Naniniwala naman ang shirebound na hindi mapapalitan ng AI ang moments na kayang ibigay ng live performance.
Sold out na ang Balcony at Orchestra sections ng concert, peri available pa raw ang VIP tickets nila. Kung kami sa inyo, kukuhain na naman 'to, mga Kabisyo! Hindi kayo magsisisi sa nag inihanda nilang pasabog!

