Sa dami ng hugot lines at kantang nagpapaiyak sa’tin gabi-gabi, minsan napapaisip tayo—gaano nga ba kalalim ang pinaghuhugutan ng mga paborito nating artist?
Sa latest episode ng Hangover, nakasama natin ang talented singer-songwriter na si Kyle Raphael. At aminin na natin, kapag usapang puso, kadalasan iniisip natin na ang long-term relationship na nauwi sa hiwalayan ang pinakamasakit gawing kanta. Pero sa interview na ito, ibang kuwento ang ibinahagi ni Kyle.
Ibinunyag niya na ang pinaka-emotional at pinakamahirap niyang isinulat ay hindi tungkol sa kanyang 5-year relationship. Hanggang ngayon, ang kantang “Buwan ng Mayo” pa rin daw ang may pinakamabigat na tama sa kanya. Ang plot twist? Mas masakit daw minsan ang mga short-lived relationships—’yung mga “could have been” na hindi man lang nabigyan ng pagkakataong tumagal.
Ayon kay Kyle, “Mas masakit ata ’yung mga short-lived eh kasi parang hindi niyo nagawa ’yung mga dapat niyong ginawa.”
Relate ba kayo? ’Yung tipong hindi pa maayos nagsisimula ang kuwento, pero kailangan na agad tapusin? Bitin sa moments, bitin sa memories—kaya sa kanta na lang nailalabas lahat ng “what ifs.”
Kaya naman pala gano’n kabigat ang emosyon tuwing naririnig ang “Buwan ng Mayo.” Hindi lang pala ito basta kanta—kuwento rin ito ng mga pangarap na hindi natuloy.
Gusto niyo pa bang malaman ang iba niyang pasabog, kasama na ang kanyang “secret bank” ng 75+ songs at kung bakit mas naging introvert siya ngayon? Panoorin ang full interview niya sa YouTube channel ng Hangover!

