Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kwento ng batang chess champ na si Bince Operiano, muling pinag-uusapan online
Kwento ng batang chess champ na si Bince Operiano, muling pinag-uusapan online
September 12, 2026

May mga bagay na matagal mang nangyari, pero nakakaantig pa rin ng puso.

Gaya na lang ng kuwento ni Bince Rafael Operiano, isang batang chess player mula Albay na siyam na taong gulang pa lang noong 2022 nang dalhin niya ang bandera ng Pilipinas sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship sa Thailand.

advertisement

Muling kumakalat online ang kuwento ni Bince, at hindi mahirap intindihin kung bakit. Dahil hindi lang ito tungkol sa chess at pagkapanalo—kwento rin ito ng isang batang nangarap, lumaban kahit malayo sa pamilya, at napatunayang malaking bagay ang presensya ng taong naniniwala sa'yo.

Dahil kinapos sa pamasahe, si Bince lang ang nakalipad kasama ang isang NCFP official. Sa mga unang rounds, hindi pa siya makabuwelo at natalo sa opening matches. Nakita pa siyang umiiyak dahil ang ibang kalahok ay may mga magulang na kasama at sumusuporta sa kanila, habang siya ay mag-isang lumalaban sa ibang bansa.

Pero nang makarating ang tatay niya matapos makapag-fundraise, biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Sunod-sunod ang panalo ni Bince laban sa mga kapwa batang manlalaro mula sa halos 30 bansa. Ending? Siya ang nag-champion sa Under-10 category, nag-uwi ng trophy at apat na medals. Talk about a comeback!

Minsan talaga, hindi lang skills ang labanan. Malaking bagay din ang lakas ng loob na dala ng presensya ng taong mahal mo at naniniwala sa'yo.

At marahil iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, muling nakakaantig ng puso ang kuwento ni Bince.

Isang batang Pinoy na nagsimula sa laban na malayo sa pamilya, pero umuwi na may dalang championship at isang kuwentong siguradong hindi madaling makalimutan.

Congrachumaleyshons ulit, Bince! Tunay kang inspirasyon sa kabataan at isang proud Pinoy moment talaga. 🇵🇭♟️

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...