Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kween Yasmin, may inamin sa pagiging kabit niya! | TITAMAX EPISODE 5
Kween Yasmin, may inamin sa pagiging kabit niya! | TITAMAX EPISODE 5
September 11, 2025

Kapag sinabing queen, isa lang ang pumapasok sa isip ng ating Pambansang Titamax! ‘Di na niya kailangan lumayo kasi kapit-bahay niya lang naman daw ang nag-iisang Kween Yasmin! EYYY! From on-air na appearance, ngayon ay kachikahan na ni Tita Tanya ang Asia’s Songbook! Sino ka na riyan?!

Straight to the point nang tinanong ni Tita Tanya kung bakit hindi kasama ni Kween ang kanyang controversial (CONTROVERSIAL?!) lover na si Elmer Villacura aka Troy Tuyor! Chika ni Kween Yasmin, eh, may inaayos daw sa kanilang bahay. Antaray, live-in na pala ang ating favorite couple! 😍 At dahil nasa topic na rin naman na sila ng mga jowa, diretsahan na ring tinanong ni TIta Tanya ang nag-viral na pakikipaghiwalay ni Kween Yasmin sa kanyang previous jowa na ginawa raw siyang kabit! 😳

advertisement

Kwento ng ating Asia’s Songbook, sinabi naman daw sa kanya na hiwalay na raw sila ng dating kinakasama no’ng lalaki. Ang mali niya lang daw ay hindi Aniya dinouble-check dahil bigla raw bumalik at do’n na niya nalamang ginawa pala siyang kabit! ‘Di mo ‘yan deserve, Kween! 😔 Natuto na raw siya ngayon kaya naman sinigurado niyang wala na talagang sabit ngayon si Elmer Villacura aka Troy Tuyor kahir na may anak pa siya sa dati niyang kinakasama. Ganurnt!

After marinig ni Kween Yasmin ang Titamax Confession this episode, eh, parang na-deja vu raw siya dahil same sila ni Ms. Formal ng naging experience! Na-in love daw kati si Ms. Formal sa isang MIU o “Men In Uniform.” Okay naman daw ang kanilang relasyon hanggang sa malaman niyang may asawa pala ‘yung jowa niya! Nakakaloka!

Wala ring kaabog-abog na hinarap ni Kween Yasmin ang Tough 5 Questions ni Tita Tanya kaya naman may mga nalaman pa ang Pambansang Titamax kay Asia’s Songbook na rito lang na-reveal sa Titamax!

Ano kayana naging payö ni Kween Yasmin kay Ms. Formal bilang na-experience naya na rin ang ganitong karanasan? Pakinggan mo na ang kanilang chikahan at kulitan dito:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...