Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: “Tita” Kaano-ano kita?
Kumikinang na Tambalan: “Tita” Kaano-ano kita?
January 25, 2026

Isang ina ang lumapit sa Kumikinang na Tambalan, pasan ang bigat ng sakit matapos siyang iwan ng asawa habang patuloy niyang inaalagaan ang dalawa nilang anak.

Huminto si Lanie sa pagtatrabaho para tutukan ang pagpapalaki sa mga bata, habang ang mister niya naman ang nagsilbing provider ng pamilya. Para sa kanya, sapat na ang simple nilang pamumuhay at akala niya, pareho silang masaya hanggang sa isang araw, bigla na lang siyang iniwan ng asawa para sumama sa isang babaeng mas may kaya sa buhay.

Bagama’t patuloy pa ring nagbibigay ng sustento ang asawa niya at madalas pang isinasama ang mga bata, lalo lang nasasaktan si Lanie. Nakikita niya kasi kung gaano kasaya ang mga anak niya sa piling ng ama nila at ng kabit nito. Lahat ng gusto ng mga anak niya ay natutupad agad—mga bagong gamit, masasarap na pagkain, at mga lakad na dati ay hindi nila nararanasan. Sa tuwing umuuwi ang mga ito sa kanya, puno sila ng masasayang kwento, at unti-unti niyang nararamdaman na mas napapalapit ang loob ng mga ito sa babaeng sumira sa kanilang pamilya.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang naging payo nina Nicole Hyala at Diego Bandido:



Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...