Isang mapagmahal na anak ang nagbahagi ng kanyang kuwento sa Kumikinang na Tambalan tungkol sa tahimik na sakripisyo ng kanyang ina.
Ayon kay Keisha, noong bata pa siya ay napapansin niyang ang nanay niya lagi ang kumakain ng mga pagkaing ayaw ng iba. Kapag nakakuha na ang lahat ng kanin, nanay niya ang kumakahig ng tutong dahil paborito raw nito. Ganoon din kapag may ulam na manok o karne, laging mga buto-buto ang parte na kinukuha niya.
Ngayong nagtatrabaho na si Keisha at nakakabili na ng pagkain para sa kanilang bahay, nag-iba na ang set-up sa hapag-kainan. Siya na mismo ang naglalagay sa plato ng nanay niya ng pinakamalalaman at pinakamasarap na parte ng karne.
Doon lang na-realize ni Keisha na hindi naman pala talaga mahilig ang nanay niya sa tutong o sa mga buto-buto. Gusto lang talaga ng kanyang ina na makuha nilang magkakapatid ang "the best" kahit na magsakripisyo ito nang tahimik para lang hindi nila malaman.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

