Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: Siya pa rin... sa araw-araw
Kumikinang na Tambalan: Siya pa rin... sa araw-araw
February 15, 2026

Isang misis ang sumulat sa Kumikinang na Tambalan para sorpresahin ang asawa niya sa anniversary nila.

Nag-umpisa raw ang lahat sa pagiging phone pals matapos ang isang tawag sa landline. Nauwi ito sa mahahabang usapan, unang pagkikita na parang matagal nang magkakilala, hanggang sa maging magkasintahan. Hindi raw naging madali ang pagsasama nilang dumaan sa hiwalayan, tampuhan, iyakan, at mga panahong akala nila, susuko na sila.

Sa kabila ng lahat, pinili pa rin daw nilang manatili sa isa’t isa araw-araw. Sa tulong ng pagpapatawad, tiyaga, at pananampalataya sa Diyos, nabuo ang pamilya nila ngayon. Para kay Joyce, sa loob ng 22 taon, iisa lang ang sigurado—kung babalik man siya sa simula, asawa niya pa rin ang pipiliin niya.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang naging payo nina Nicole Hyala at Diego Bandido:




Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...