Isang dating OFW ang nag-open up sa Kumikinang na Tambalan tungkol sa bigat ng pagiging sandigan ng pamilya at sa lihim niyang pinagdadaanan. Kilala si JM bilang masinop at laging tumutulong sa mga kapatid, pero noong 2023, nalulong siya sa online gambling hanggang sa halos maubos ang ipon—isang laban na tahimik niyang hinarap habang pilit bumabangon.
Ngayon na nagsisimula na siyang maka-recover, pinipilit naman siya ng pamilya na siya ang gumastos para mapabiyahe ang kanilang mga magulang. Hindi na niya ito kayang ibigay, pero dahil hindi niya masabi ang totoo, siya pa ang napagkakamalang madamot at pinipilit pang ibenta ang natitira niyang pundar.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

