Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: Reality is Key
Kumikinang na Tambalan: Reality is Key
July 26, 2026

Isang Tamballerina ang nagkwento sa Kumikinang na Tambalan kung paano niya napatunayang hindi lahat ng pagmamahalan ay panghabambuhay.

Sampung taon matapos silang magkahiwalay, muling nagparamdam ang first love ni Cecil nang i-like nito ang kanyang Facebook story. Dahil doon, muli silang nag-usap at nagkita, at sa una ay inakala nilang maaari pa silang magkaroon ng bagong simula.

Pero habang mas nag-uusap sila, mas lumilinaw ang realidad. Hindi na sila mga teenager na sapat na ang kilig at holding hands. May mga responsibilidad na, may mga pangarap na kailangang isipin. Nang aminin ng lalaki ang insecurities niya tungkol sa kanyang kinikita, doon lalong na-realize ni Cecil na kahit gaano niya ito kamahal, magkaiba na ang future na gusto nilang buuin.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:



Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...