Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan Podcast: When the time is right, the love will be the one
Kumikinang na Tambalan Podcast: When the time is right, the love will be the one
July 18, 2025

Isang kabisyo na naman nating ang sumangguni sa Kumikinang na Tambalan para ibahagi ang nakakatawang kuwento tungkol sa kanyang ex jowa!

Bagong break lang daw itong si Chesca sa boyfriend niya. Ang dahilan ng breakup? Sinabihan siyang masyadong relax at hindi naghahangad ng ibang pangarap. Paano, passion daw kasi talaga ni Chesca ang field of work niya kaya kahit hindi kalakihan ay sweldo, ititnutuloy niya dahil sapat naman daw ito sa pangangailangan niya. Habang ang boyfriend niya, mataas ang pangarap. Empleyado sa umaga, businessman sa gabi. Ganernt!

advertisement

Matapos makipaghiwalay ng jowa, eh, nanlumo nga raw nang bonggang bongga si Chesca kaya para malibang, nag-aral siyang mag-bake ng cookies. Nasarapan naman at ang pamilya at kaibigan niya kaya hinikayat siya ng mga ito na mag-online sell ng bina-bake niya. Sa katagalan, eh, dumami na rin ang buyers niya at laking gulat niya nang isang araw ay mag-message ang ex niya sa Facebook Page niya para um-order ng cookies!

Hindi raw alam ng ex niya na si Chesca ang tao sa likod ng Facebook Page na mine-message niya!

Anong mangyayari? Pakinggan ang buong episode dito!

MORE EPISODES HERE!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...