Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan Podcast: Proving it to yourself
Kumikinang na Tambalan Podcast: Proving it to yourself
September 6, 2025

Isang Kabisyo na naman natin ang sumulat sa Kumikinang na Tambalan para magbahagi ng isang istoryang nakaka-inspire lalo na sa mga Kabisyo nating kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral, eh, ginagawa ang lahat para sumakses sa buhay!

Ito kasing si Cholo, pangalawa sa magkakapatid, ay napilitang huminto sa pag-aaral no'ng first year college siya dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay niya. Nag-apply raw siya bilang isang call center agent sa probinsya hanggang sa nalipat siya sa Makati. 'Di nagtagal, na-promote siya sa trabaho pero natakot siya at iniwan ang posisyon dahil feel niya, eh, hindi niya dasurv ma-promote nang dahil lang sa wala siyang natapos.

advertisement

Lumipat siya sa ibang BPO company at nang offer-an ulit ng promotion ay natakot siya ulit, nagpasyang mag-resign na lang, at mag-apply sa probinsya bilang isang sales executive. Hindi naman daw tinanong sa interview kung may natapos siya, pero 'pag pinag-uusapan sa opisina ang mga pinag-aralan, hindi siya maka-relate! Dumating pa raw sa point na nagsinungaling na siya para lang may maiambag sa kuwentuhan!

Hindi nagtagal, eh, inamin na rin niya sa General Manager niya ang katotohanan. akala raw niya ay magagalit ito sa kanya, pero niyakap lang siya nito at tinanggap pa rin siya. Simula noon at na-promote na siya nang na-promote hanggang sa maging sales manager sa kumpanyang pinapasukan niya. Ngayon ay sumakses na rin siya sa buhay, at hindi pa rin isinasarado ang posibilidad na makakakuha ng sarili niyang diploma.

Gagawin daw niya ito hindi na lang para sa resume niya, pero para sa mentors niya na gumabay at nagtiwala sa kanya.

Napakagandang storya naman nito! Ano naman kaya ang say ni Nicole Hyala at Diego Bandido rito? Pakinggan mo na ang full episode para malaman mo!

MORE EPISODES HERE!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...