advertisement
Ngayong mas mulat na raw siya sa tama at mali ay napapapikit na lang daw siya sa hiya at panghihinayang sa mga nagawa niya noon. Dahil dito, mababa na raw ang pagtingin niya sa sarili niya. Nahihiya rin daw siyang humarap sa mga tao at magbahagi ng mga saloobin sa buhay. Para raw kasing may parte sa kanyang nabasag at kailanman ay hindi na mabubuo pa.
Minsan ay napapatanong na lang siya sa sarili kung bakit niya hinayaang mangyari ang mga bagay na 'yon? Kung minahal ba talaga siya ng ex niya o kumapit lang siya sa ilusyon ng pag-ibig? At tuwing naiisip niya ang mga 'to, lalo lang siyang nahihiya sa kanyang sarili.
Kaya naman napagpasyahan niyang sumulat sa Kumikinang na Tambalan para humingi ng payo kung paano niya matututunang patawarin ang kanyang sarili. Hindi niya raw kasi alam kung paano muling mamahalin ang sarili dahil ang nakikita niya lang ay ang mga maling desisyon na nagawa niya noon.
Ano kaya ang payo ng Kumikinang na Tambalan sa Kabisyo nating si Mae? Pakinggan ang buong kuwento rito:
MORE EPISODES HERE!

Kumikinang na Tambalan Podcast: Patawad, sarili: Kuwento ng pagbitaw at pagtanggap
Isang Kabisyo na naman natin ang sumulat sa Mahiwagang Burnay dahil sa bigat ng damdaming matagal na niyang itinatago.
Ito kasing si Mae, may mga pagkakamaling nagawa noong kabataan niya at mukang lubos ngayon ang pagsisisi niya. Sa murang edad daw kasi, eh, nagmahal siya ng sobra at nagtiwala ng bongga. Hindi naman daw sila nag-emehan ng jowa niya noon, pero may mga nangyaring alam niya sa sarili niyang hindi pa dapat mangyari. Ang akala niya noon, dahil mahal niya, 'yun na ang tama.
