Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan Podcast: Last Day as Single
Kumikinang na Tambalan Podcast: Last Day as Single
May 23, 2025

Isang Kabisyo na naman natin ang sumangguni sa Kumikinang na Tambalan dahil namomroblema kung aaminin ba niya sa kanyang asawa ang kaharutang nagawa niya bago ang kasalan!

Ito naman kasing si Katie, nag-bridal shower kasama ang mga kaibigan at nalasing pagkatapos makipag-inuman sa guest nilang macho dancer! Ang klasik neto, hindi na raw niya maalala kung saan sila nag-umpisa, pero sigurado siyang sa kwarto sila natapos! Huuuuy! Hahaha!

advertisement

No'ng araw tuloy ng kasal nila, imbes na matuwa ay binabalot ang puso niya ng bigat, guilt, at pag-aalala. Isang buwan na nga raw matapos ang kasalan ay dala-dala niya pa ang guilt na ito sa puso niya. Ang kanyang dilemma, aaminin ba niya ang nangyari sa asawa niya o itatago na lang niya forever at pipiliting ibaon ito sa alaala?

Ano naman kaya ang payo ng Kumikinang na Tambalan na sina Diego Bandido at Nicole Hyala? Pakinggan niyo na ang buong episode at nang magkaalaman na!

MORE EPISODES HERE!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...