Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan Podcast: From pain to lesson
Kumikinang na Tambalan Podcast: From pain to lesson
July 11, 2025

Isang Tambalanista na naman natin ang sumulat sa Kumikinang na Tambalan para magbahagi ng isang kuwento na magsisilbing aral para sa mga kapwa natin Kabisyo.

Naikuwento ng Kabisyo nating si Marie ang isang masalimuot na experience niya at ng kanyang asawa. Saktuhan lang daw kasi ang kinikita nilang mag-asawa, pero pangarap talaga nila ang magkaroon ng sariling bahay. Kaya naman nang may nakita siyang town house na may 8K kada buwan na hulog ay nakuha nito ang interes nila.

advertisement

Pagdating ng ikatlong buwan, nabigla sila dahil naging 22K/month na raw ang hulog. Dahil malaki na rin ang nagastos nila, pilit nilang itinawid ang buwanang hulog para na rin sa katuparan ng pangarap nila. Ang kaso, paglipat pa lang daw nila ay napansin na nilang mabaho ang tubig na lumalabas sa gripo nila. Nang dumating ang tag-ulan, umabot hanggang dibdib ang baha at nagbitak-bitak ang dingding nila. Sinubukan nilang lumapit sa mga kinauukulan kasama ang home owners na sinalihan nila, pero wala raw silang napala.

Ang ending, umalis na lang sila sa bahay dala-dala ang panghihinayang sa mga nasayang nila panahon at pera.

Pakinggan kung ano ang masasabi ng Kumikinang na Tambalan sa istoryang ito!

MORE EPISODES HERE!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...