Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: Mother, Dearest
Kumikinang na Tambalan: Mother, Dearest
December 27, 2025

Isang Kabisyo ang dumulog sa Kumikinang na Tambalan dala ang isang lihim na limang taon na niya raw kinikimkim!

Ayon kay Angie, bata pa lang siya nang maging ina—masyadong bata para maintindihan ang bigat ng responsibilidad at masyadong takot para tumayo sa panahong kailangan siya ng anak niya. Sa gitna ng lahat ng ito, may isang taong tumindig at sumalo ng lahat… at hindi siya ’yon.

Lumipas ang mga taon, lumaki ang bata na may tinatawag na “Mama,” kahit hindi ’yon ang tunay niyang ina. Doon nagsimulang masaktan si Angie. Tahimik, palihim, at puno ng tanong: May karapatan ba siyang masaktan sa sitwasyong siya rin ang may gawa?

Huli na ba ang lahat para sa isang inang natakot noon, pero gustong bumawi ngayon? O may puwang pa ba sa pusong minsang iniwan niya?

Nakaka-wrinkles naman ang sitwasyong ’to! Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang naging payo nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...