Sabi ni Cheska, sobrang happy at sure siya sa lalaking pakakasalan niya. Isang taon pa lang silang magkasama, pero ramdam niya na ito na talaga ang “forever.” Tanggap niya kung sino siya—maliban sa isang bagay na araw-araw niyang nakikita at hindi niya maiwasan. May malaking tattoo sa dibdib ang fiancé niya, at hindi ito simpleng design lang—pangalan ito ng ex niya. Para kay Cheska, kahit tapos na raw ang nakaraan, bakit parang buhay na buhay pa rin ito sa katawan ng lalaking pakakasalan niya?
advertisement
Ngayong papalapit na ang kasal, naguguluhan siya: kailangan ba niyang tanggapin ang bakas ng nakaraan bilang parte ng pagmamahal? O okay lang ba kung hilingin niyang tuluyang mabura ito?
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang naging payo nina Nicole Hyala at Diego Bandido:
