Isang Tambalanista ang nag-open up sa Kumikinang na Tambalan matapos maapektuhan sa pamamaalam ng Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper. Dalawampung taon din silang magkasama ng asawa niya, kaya sobrang sakit nang bigla na lang siyang maiwan mag-isa. Na para bang mag-asawa rin ang Tambalang Balahura at Balasubas? OVER!
Anyway, ito na nga. Matapos mawala ang unang baby nila Gemini, roon siya tuluyang nanghina. Kinain daw siya ng lungkot at guilt, kaya nagpaka-busy na lang siya at hindi namalayang napalayo na rin siya sa asawa niya.
Hanggang sa isang umaga, nagising siya sa message ng asawa niya—picture nito at ng babae niya sa motel na naghahalikan. Halos dalawang buwan nang hindi umuuwi ang asawa niya at noong Pasko, sinabi nitong hindi raw siya makauwi dahil nahihiya siya at hindi niya mapatawad ang sarili niya.
Pero kahit gano’n, wala raw galit sa puso ni Gemini. Mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal at pag-asang baka pwede pang ayusin.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang naging payo nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

