Isang guro ang nagbahagi ng realization niya sa Kumikinang na Tambalan matapos mapansin na madalas na niyang ikumpara ang sarili niya sa kanyang mga dating kaklase.
Ayon kay Len, pinili niyang manatili sa probinsya para maging guro at alagaan ang tumatandang magulang, kung saan doon na rin siya nagkapamilya. Pero kapag nakikita niya sa social media ang mga batchmate niyang nasa abroad o panay ang travel, hindi niya maiwasang mainggit at maitanong kung naging masyado ba siyang kampante o baka hindi lang talaga mataas ang mga pangarap niya.
Pero noong nagka-reunion sila, doon niya nalaman na hindi lahat ng nakikita online ay totoong buhay. 'Yung iba, matagal nang malayo sa pamilya, habang ang iba naman ay subsob sa pagod sa trabaho.
Doon niya na-realize na kahit simple lang ang buhay niya, ang mahalaga ay araw-araw niyang kasama ang pamilya niya.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

