Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: Bakit parang kasalanan ko?
Kumikinang na Tambalan: Bakit parang kasalanan ko?
July 12, 2026

Isang simpleng housewife at nanay na may iisang anak ang nagbahagi ng sama ng loob niya sa Kumikinang na Tambalan matapos siyang mapaisip kung mali ba ang pagiging proud sa sariling anak.

Ayon kay Roda, bata pa lang ay achiever na ang kanyang anak sa academics at extracurricular activities. Bilang isang supportive na nanay, lagi siyang masaya sa bawat tagumpay nito. Kaya naman nang gumaraduate ito ng grade school kamakailan at halos humakot ng awards, hindi napigilan ni Roda na i-post sa social media ang lahat ng natanggap nitong medals at certificates. Para sa kanya, simpleng pagdiriwang lang iyon ng pinaghirapan ng kanyang anak.

Pero nasaktan siya nang makita ang post ng isa niyang itinuturing na tunay na mare. Ayon sa post nito, mas mabuting huwag na raw i-post ang mga medalya at achievements ng mga anak dahil baka may ibang batang ma-pressure o malungkot.

Doon napaisip si Roda kung bawal na nga bang ipagdiwang at ipagmalaki ang pinaghirapan ng sariling anak para lang hindi masaktan o mainggit ang iba.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...