Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: “Ate Chona” sa bahay ko
Kumikinang na Tambalan: “Ate Chona” sa bahay ko
February 8, 2026

Isang newlywed ang naglabas ng sama ng loob sa Kumikinang na Tambalan—hindi dahil sa asawa niya, kundi dahil sa kasambahay nila.

Masaya naman daw siya no’ng una dahil talagang malinis ito sa bahay, pero habang tumatagal, nagiging palapuna ito na parang daig pa ang nanay niya. Aminado naman si Kat na hindi talaga siya maalam sa gawaing bahay, kaya nga kumuha sila ng katulong.

Sa nangyayari ngayon, nalilito siya kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang amo. Grabe raw kasi kung pagalitan siya! Kahit nagagawa naman niya ang trabaho, nagdadalawang-isip tuloy siya kung paaalisin niya na lang ba ito.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang naging payo nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...