Isang ama ang humihingi ng payo sa Kumikinang na Tambalan kung paano mabalanse ang pamilya at kabuhayan.
Bumalik ng Pilipinas si Shin noong 2024 matapos maging OFW sa Qatar nang isang dekada. Masaya siyang makasama ang live-in partner at dalawang anak, pero ramdam niya ang hirap sa araw-araw na pamumuhay. Sinubukan niyang magtrabaho sa iba’t ibang kumpanya at magnegosyo, pero maliit ang kita at paminsan-minsan ay napipilitan pang mangutang para sa pang-araw-araw na gastusin.
Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang naging payo nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Kumikinang na Tambalan: Ang nararapat na desisyon
