advertisement
Magkakaroon din ng soafer exciting na GRAND FAN EVENT soon! Dapat niyo talagang abangan ‘yan, Kabisyo, imbes na umaasa kayo sa isang taong malabo nang magustuhan ka. Charot with harot!
Oh, divine?! Ang saya-saya ng KOLab 2025! Hindi lang ito basta fan meet, mga Kabisyo! Isa ‘tong masayang pagtitipon-tipon kung saan fans, creators, at brands ay magkakakilala at matututo nang lubusan! Kita-kits soonest! Mwa!

KOLab 2025: Ang pinakamalaking pagsasama ng Radio DJs at Content Creators!
Narito na ang KOLab 2025, mga Kabisyo! Ito na ang bonggang KOLaboration ng MBC Media Group at Blogapalooza! Pinagsama-sama ang paborito niyong radio personalities mula Love Radio, Yes FM, at Easy Rock kasama ang top influencers ng Blogapalooza! Itong bonggacious ay brought to you by Dunkin’, Coca-Cola, BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone! Ang ating event partners naman ay ang Ayala Malls Market! Market!, Tigas Tito Clothing, KYCO, Four Thirteen Blend, Sugar Crest, at The Wedding Library’s Bridal Fair! Malupit ang tambalang mangyayari kasama ang on-air at online pipol!
Mahigit 80 creators ang magsasama-sama para sa isang selebrasyon ng collaboration, paglilikha, at komunidad! Magsisimula ang soafer exciting na kaganapang ito sa MBC KOLab Experience! Isa itong studio tour mula July hanggang September. 60 influencers ng Blogapalooza ang makaka-eksena sa iba’t ibang studio ng MBC: DZRH, Love Radio, Yes FM, Easy Rock, Radyo Natin, DZRH Drama, DZRH TV, at MBC Digital. Siyempre, hindi mawawala riyan ng mga paborito mong mga Kabisyo at mga ferzon para samahan sila! Good luck sa mga a-attend, baka hindi kayanin ang kalokohan ng mga tao ditey. Charizzz!
